Monday, June 1, 2009

balaw, pinangat, bicol express...siram sana

pinanganak sa daraga albay, kasalukuyang nasa naga city.
proud to be a bikolano. sabi nila bikolano, uragon, pero ako hindi. sino ba dapat sisihin kung bakit ang mga bikolano ay binansagan na uragon? noong kabataan ko( i am 31 ryt now), naalala ko si manoy eddie garcia ay mahilig sumingit ng linyang bikol sa mga pelikula nya. isa dito ay uragon. ito ay haka haka ko lang kung bakit ang mga taga bikol ay tinatawag na uragon.
kaming mga bikolano mahilig sa maarang( maanghang). kya nga tawag sa ilan sa amin ay mahilig. totoo ba ito? sabi ng mga matatanda ang sili raw ay pampagana at pampatigas(ng ano?) alam mo na ibig kong sabihin. aphrodisiac(sori kung mali spelling) kung baga. naks para palang viagra. mura na epektibo pa. parang the generics pharmacy. hindi ako nag aral ng medisina para patotohanan ang sabi sabi tungkol dito. siguro sa iba ay epektibo, sa iba hindi. ang mga bikolano ay mahilig sa gata. isdang may gata, karneng may gata, dinuguan na may gata, gulay na may gata, pusit na may gata, at kung ano ano pa. sabi nila hindi raw good for the heart ang oil na galing sa nyog. cguro kung araw araw kakain ka ng may gata. at hindi rin ito good for the stomach, mantakin mo araw araw ka kumain ng niluto sa gata kung hindi ka magpururot. minsan may nakakwentuhan akong bisaya. tinanong nnya ako kung bakit daw kaming mga bikolano ay mahilig sa gata, ang sagot ko hindi ko alam. sabi ko sa kanya. bata pa lang ako amoy amoy na amoy ko ang niluluto ng aking ina na gulay na may gata. doon daw ksi sa cebu ang mga ang gulay ay kadalasan puro gisang gulay luto nila. ok fine, e dito rin sa amin ganun din. marunong din naman kaming mag gisa ng gulay. lalo na mayroon ng knorr ginisa mix, maggi ginisa mix, at kung ano ano pang ginisa mix.
hay ang buhay nga naman. prang ginisang gulay. kung gusto mo magkalasa buhay mo lagyan mo ng vetsin para sumarap.
habang sinusulat ko ang blog na ito ay hinintay kong maluto ang aking paboritong pusit na may gata. at sigurado gabundok na namang kanin ang kakainin ko. sasabihin na naman ng asawa ko na di ko na naman watch ang diet ko. masisi ko ba sarili ko? hindi ah. masarap yata akong magluto. at kung sino man ang no.1 na nag aapreciate sa luto ko ay walang iba kundi ako.
madali lang naman magluto nitong pusit na may gata. kung interessado kayo, pwede ko naman kayong turuan.
good day

No comments:

Post a Comment